Mga Bagong Opisyal ng 2025 PMPC Star Awards, Inc., Nanumpa Na!
By Boy Romero IDINAOS nitong Martes, Enero 28, 2025, ang panunumpa sa tungkulin o induction ng mga bagong halal na opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. sa Adriatico Arms Hotel sa J. Nakpil, Malate, Manila. Pinangunahan ng dating alkalde ng Maynila at aktor sa pelikula at telebsiyon na si Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang nasabing 2025 oath taking ceremony na pinamumunuan ni Mell Navarro, ang newly-elected PMPC President. Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa sa tungkulin ay sina Fernan de Guzman, vice president; Jimi Escala, secretary; Mildred Bacud, asst. secretary; Boy Romero, treasurer; John Fontanilla, asst. treasurer; Rodel Fernando, auditor; Eric Borromeo at Blessie Cirera bilang mga PRO . Nanumpa rin ang bagong Board of Directors na sina Roldan Castro, Evelyn Diao, Leony Garcia, Rommel Gonzales, Rommel Placente, at Francis Simeon. Nagbigay ng pananalita at pagbati si Yorme sa mga nahalal na bagong opisyal ng PMPC, kasabay ng pangako niyan...