Rodjun Cruz, certified King Of The Dance Floor

By Boy Romero 

         Si Rodjun Cruz ang walang kadu-dudang hari ng dance floor. Naka-weldung na yun sa kanyang ulo,  at di na mababaklas yun kahit sino magpakalabman dahil may resibo siya.

 Dalawang beses na siyang nag-champion sa  dalawang dance contest. Una yung sa "You Can Dance" sa ABS CBN nung 2017 and after 18 years, itinanhal siyang grand champion sa "Stars On The Floor on GMA 7 kasama ang partner na si Dasuri Choi.
          Kitang-kita at damang-dama ang sobrang tuwa at saya ni Rodjun nang humarap sa entertainment press .
"Overflowing, grabe yung fulfillment at yung happiness talaga, after nung hard work namin, nakamit rin namin yung tagumpay," nakangiting simula ni Rodjun.

       Ayon sa kanya, 10duos silang naglaban-laban at wala ka raw itulak kabigin sa sampu.
Yung pagiging confident at positive na mindset ang naging edge at nagpanalo sa kanila ni Dasuri.
     " Confident kami kada laban. Yung kahit sinong ilaban at itapat sa amin ay kaya namin.
"At siyempre yung nagbibigay ng lakas ng loob ay yung pamilya ko at prayer kay Lord.

" Sa contemporary genre ako nahirapan pero yun ang nagpanalo sa amin," pahayag pa ng kapatid ni Rayver Cruz.

    Aniya pa kung ano yung kakulangan niya ay pinupuan naman ni Dasuri. Strength daw ng dalaga yung contemporary genre dahil pinag-aralan nito sa Korea  Takot lang daw ito sa lifting dahil di ito marunong.
Team work at trust lang daw ang kailangan. 
At may ugali raw si Rayver kahit bago sa kanya, iniisip daw niya yon at kakayanin ng kanyang utak.
Inaral daw niya ang contemporary,  pati yung emotions na kailangan unlike daw sa Hip Hop, iba yung chemistry at connection.

At siyempre pa, ang malaking dahilan nang pagkapanalo niya ay ang all out ang support ng pamilya . Present sa Grand Finals ang kapatid niyang si Rayver, nisis niyang si Dianne Medina at dalawang anak na sina Joaquin at Isabella.
         Congratulations, Rodjun Cruz!

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards