Bagong Panahon ng Pelikulang Pilipino Muling Magniningning sa 41st PMPC Star Awards for Movies
By Boy Romero
Kinasasabikan na ang papalapit na 41st PMPC Star Awards for Movies na sinisigurong maghahatid ng isang gabi ng alaala at engrandeng selebrasyon.
Ngayong Nobyembre 30, 2025 (Linggo), sa engrandeng Makabagong San Juan Theater sa Pinaglabanan Road, San Juan City ay gaganapin ang una nitong showbiz awards event — isang napapanahong pagbubukas ng entabladong magbigay-buhay sa mga kuwento, sining, at talento.
May temang “Bagong Dekada ng Makabagong Pelikula,” ito ay magsisilbing himig ng gabi — isang pagpupugay sa nagbabagong mukha ng Pelikulang Pilipino at sa mga manggagawa nito, na patuloy na lumilikha at nagtataguyod ng sining.
Mapapanood ito nang LIVE sa iWantTFC streaming platform, sa ganap na 6:50 PM, sa halagang PHP 149 at USD 2.99, kaya’t madali para sa publiko, saan mang panig ng mundo na makiisa sa selebrasyon.
Pangunahin ang pagho-host ng mahusay at maaasahang aktres na si Gladys Reyes, kasama sina Miss Grand International 2024 CJ Opiaza, at ang singer-actor na si Marlo Mortel.

Magsisimula ang kasiyahan nang maaga sa pagdating ng mga nominado suot ang kanilang modern Filipiniana para sa red carpet walk sa 5:00 PM. Maaari itong mapanood ng fans sa ground floor ng building.
Pagsapit ng 6:30 PM, sisimulan ng rising singer-actor na si John Arcenas ang pag-init ng entablado sa pamamagitan ng isang awit sa pre-show performance.
Sa pagbubukas ng main program, sisimulan nina Rufa Mae Quinto at Viñas Deluxe ang isang nakakaaliw at malikhaing presentasyon ng nostalgia, at tamang timpla ng saya upang parangalan ang nakaraan at hinaharap ng pelikulang lokal.
Si Viñas na kilala mula sa Drag Race Philippines dahil sa kanyang electrifying stage presence ay magkakaroon din ng solo number.
Kasunod nito ang isang espesyal na sandali ang awit ng OPM romantic rising star Amiel Sol na maghahatid ng init at tamang “kilig” sa kinang ng gabi.
Ang pinakamadamdaming bahagi ng gabi ay ang In Memoriam, kung saan nagbibigay-pugay ang PMPC sa mga yumaong haligi ng sining nitong mga nakaraang buwan.
Isang emosyonal na tribute ang ihahandog ni Asia’s Soul Siren Nina, bilang pag-alala kina Gloria Romero, Director Mike De Leon, Delia Razon, Rosa Rosal, Ricky Davao, Freddie Aguilar, Hajji Alejandro, Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales, at National Artist Nora Aunor (at iba pa).
Gagawaran ng pagkilala ang limang personalidad na naghulma at patuloy na humuhubog sa pelikulang Pilipino. Ipagkakaloob ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kina Alma Moreno at Ramon “Bong” Revilla, Jr., bilang pagpupugay sa kanilang ilang dekadang karera at hindi matatawarang ambag sa industriya.
Sa larangan ng filmmaking, tatanggap si Jesse Ejercito ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award, bilang pagkilala sa mga pumatok at award-winning movies na kanyang nalikha, at sa pagtuklas at paggabay niya kina Lorna Tolentino, Amy Austria, at Daria Ramirez noong dekada ’70.
Isa ring natatanging pagpupugay sa pamamagitan ng Ethel Ramos Dean’s Lister Lifetime Achievement Award, ang igagawad sa mga batikang PMPC members na sina Crispina Belen at Mercy Lejarde bilang pagkilala sa kanilang limampung taong serbisyo sa larangan ng pasusulat sa showbiz.
Isa pang tampok ng gabi ang paghirang sa Takilya King at Queen, na igagawad kina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Kabilang sa presenters sina Gary Estrada, Seth Fedelin, Sunshine Cruz, Chanda Romero, Rez Cortez, at iba pang sorpresang mga pangalan.
Ang 41st Star Awards for Movies ay pinangangasiwaan ng GSD Studios, isang bagong creative events company na pinamumunuan ni Elai Tabilog, mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.
Malaki ang suporta mula sa Playtime bilang official sponsor, Puregold at partner organizations tulad ng San Juan City Government, PLDT, Reddit, Fat Smoke, Emperador Distillers Inc., Taters, at Little Miss Matcha.
Sa gabi ng parangal, iisa ang malinaw: ang PMPC Star Awards for Movies ay higit pa sa isang seremonya — isa itong taos-pusong pagpupugay sa mga artista, manlilikha, at pangarap na patuloy na nagbibigay-buhay at sigla sa pelikulang Pilipino.
Huwag palampasin ang bonggang selebrasyong ito ng kahusayan at sining!