Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards
By: Boy Romero
Sobrang saya at overwhelm si Nunungan Lanao del Norte Mayor Mamay Marcos dahil ang first project ng kanyang Mamay Productions ang "Mamay: A Journey To Greatness"ay humakot ng limang major awards at dalawang special awards sa katatapos na 73rd FAMAS Awards na ginanap sa The Manila Hotel nung August 22.
Kinabukasan after ng panalo, nagbigay agad siya ng victory party para pasalamatan ang lahat ng involved sa pelikula at mga taong tumulong dito.
Sobrang saya saya ang nararamdaman niya habang iniinterbyu ng media. Aniya, isang inspirasyon ang panalo at tuluy-tuloy na raw ang pagpo-produce niya ng pelikula, para makatulong sa industriya ng Pelikulang Pilipino.
Dalawang pelikula ang sabay na gagawin, pero di pa sinabi kung sino ang cast ng nabanggit na dalawang pelikula.
Dagdag pa niya, nakikipag-usap na siya sa DEPED para maipalabas ito sa ibat-ibang schools sa buong Pilipinas, Magkakaroon din ng mga block screening at ipapalabas din ito sa ibang bansa tulad ng Malaysia, Indonesia, Abu Dhabi, Dubai, Pakistan at iba pa.
Ang "Mamay: A Journey To Greatness" ay isang inspiring story, tumatalakay sa buhay ni Mayor Mamay mula sa pagkabata hanggang maging isang matagumpay na Public Servant.
Ang pelikulang ito ay lilikha rin ng malaking pag-asa sa nga Pilipino dahil makikita rin dito na ang kahirapan ay di hadlang sa pag-aaral upang makanit ang pangarap at maging matagumpay sa buhay.
Bida rito si Jeric Raval as Mayor Mamay. Join din sa cast sina Ara Mina, Teejay Marquez, Victor Neri, Sabrina M, Baby Go, Katrina Paula, Alvin Fortuna, Dennis Colonel, Polo Ravales, Julio Diaz, Via Veloso at marami pang iba. Directed by Neil "Buboy" Tan.
Ang nga award na napanalunan ay ang mga sumusunod:
Best Supporting Actor - Jeric Raval
Best Production Design - Cyprus Khan
Best Cinematography - Gilbert Obispo
Best Musical Score - Direk Neil "Buboy" Tan
Best Original Themesong - "Hamon" by Gerard Santos and composed by Vehnee Saturno.
At ang dalawang special awards ay ang Film Producer of the Year - Mamay Productions
Presidential Awardee - Hon. Marcos Mamay