Edgar Mortiz at Tirso Cruz III haharanahin si Vilma Santos sa 42nd Star Awards for Movies
By Boy Romero Ogie Alcasid, Morissette, Kakie, Emma Tiglao, Tony Labrusca, Jameson Blake at Beauty Gonzalez kabilang sa performers at hosts HUMANDA na sa maningning at makulay na 42nd Star Awards for Movies dahil muling pagsasamahin at titipunin ng PMPC Star Awards Inc. ang makikinang na mga bituin at personalidad sa pinilakang-tabing sa Gabi ng Parangal na gaganapin sa Oktubre 25, 2026 sa Winford Resort and Casino Manila. Pangungunahan ang mga dadalong bituin ng mga Hall of Fame awardees na sina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, sound engineer Albert Michael Idioma, at veteran screenwriter and National Artist Ricky Lee na bibigyang pugay dahil sa sampung beses o higit pang pagkapanalo nila sa kategoryang Movie Actress of the Year, Movie Sound Engineer of the Year, at Movie Screenwriter of the Year, ayon sa pagkakasunod. Si Vilma ang kauna-unahang aktres na pagkakalooban ng Hall of Fame sa Star Awards for Movies. Haharanahin at hahandugan siya ng isang tribute number ng dalawa s...