Arnold Reyes, mapapamura ka sa kahusayan sa pagganap sa Akusada

By Boy Romero 

          Walang duda, isa si Arnold Reyes sa pinakamahusay na karakter aktor ng kanyang henerasyon. Malaki o maliit man ang role, kahit anong role ay nabibigyan niya ito ng justice. Ang kanyang kagalingan sa pag-arte ay hindi namimil ng anggulo, panahon at pagkakataon Umaangat sa lahat ng aspeto 
Hindi naman ito nakagugulat at sorpresa sa marami dahil galing sa entablado si Reyes.

       At sa bago niyang proyekto sa GMA7, ang "Akusada" na napanood sa Afternoon Prime, muling inulan ng papuri ang aktor.
         Sa simula ng teleserye na pinagbibidahan nina Andrea Torres at Benjamin Alves, simple lang ang role niya Siya si Dennis na kaibigan ni Winfred na karakter naman ni Benjamin.
         Simple man ang karakter, pero nabigyan niya ito ng bigat at buhay. Hanggang sa nagkaroon ng matinding twist ang kuwento. Siya pala ang tunay na pumatay kay Joy na papel naman ni Max Collins at asawa nito si Winfred, biglang bumulaga ang mala-dragon na pag-arte ni Reyes. Grabe ang build up ng karakter Mapapamura ka sa kahusayan niya, hayup ang brilyo. 
Kalmado at kontrolado ang akting.  Mula sa mata, body movements at delivery ng nga dialogue, sobrang husay, malinis at suwabe. Hindi lumampas sa guhit ng kasobrahan at ka-oeyan. Madalas kaysa hindi at hindi nya sinasadya ay nasasapawan niya ang mga kaeksena. 

Nasa finale week na ang "Akusada" na magtatapos sa Biyernes, October 31, 2025, angat na angat ang kahusayan ni Reyes. Ramdam na ramdam ang emosyon sa bawat eksena Kahanga-hanga at kabilib-bilib. Grabe at panalo.
    Nung nakaang 37th Star Awards For TV ay nasungkit ni Arnold ang Best Drama Supporting Actor para sa mahusay ring pagkakaganap sa "My Guardian Alien' at sa ngayon isa kami sa maraming naniniwala na masusunkit niya uli ang nasabing kategorya sa muling pagpaparangal ng Star Awards For TV.      
       Sa totoo lang. Hindi kasi kailanman makapagsisinungaling ang kakayahan at talentong taglay ni Arnold Reyes.

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards