Cecille Bravo, gustong makasama si Vilma Santos sa susunod na project

By Boy Romero 

Pumasok na rin sa showbiz ang celebrity businesswoman at philantropist na si Cecille Bravo. Ito'y sa pelikulang "Aking Mga Anak' produced by Dream Go Production and directed by Jun Miguel.
         Actually, ito yung mssasabi niyang unang pelikula dahil na-challrnge  siya at mahaba-haba ang dialogue.. Kabado at naiiyak siya dahil di niya raw alam kung tatanggapin ba siya ng mga manonood. Wala raw siyang formal acting lesson. Mahilig daw siyang  sumayaw pero di kumakanta dahil walang boses. Pero may play na sinalihan nung nada elementary at highschool pa siya.
         Hanga siya sa kay Direk Jun dahil naga-adjust ito sa kanya bilang isang baguhan, sinsabi nito ang emosyon na kailangan niyang ipakita sa ganitong sitwasyon.
        Sa tanong na kung tuluy-tuloy na ang pag-aartista niya, sinabi niyang mamimili rin ng role at need niyang mag-workshop para mapagbuti ang akting at worth yung ibabayad ng mga manonood.
      Maraming     magagaling na artista ang gusto niyang makasama, pero si Vilma Santos ang gusto niyang makasama sa next project.
Magaling daw kasi ang aktres at sino bs naman daw ang ayaw makasama ang Star For All Seasons.
           In fairness, nang mapanood namin ang pelikula sa premiere night nito, pasable para sa amin ang akting  ni Cecille Bravo. Parang di baguhan at naitawid nang maayos ang kanyang karakter.
       Showing ang "Aking Mga Anak" sa September 3 at bida rito sina Jace Fierre, Juharra Zhianne Asayo,  Alejandra Cortez, Madison Go at Candice Ayesha.
Kasama rin sa cast sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Klinton Start, Sarah Javier, Art Halili, Jr, Patani Dano at iba pa.

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards