Magic Voyz, nagpasaya at nagkiliti sa kanilang concert

  By Boy Romero   

    Bongga ang cocert ng grupong Magic Voyz na  ginanap nung November 29, 2024 sa Viva Cafe.
          Pinasaya, pinakilig at kiniliti ang audience. Pasabog at panalo sa opening number pa lang nila. Hataw na agad sa pagpapakita ng kanilang mga matitipunong katawan at sobrang saya at tuwa ang mga manonood nang tinanggal nilang ang kanilang pang-ibaba at underwear na lang ang natira..Sigawan, tilian  at palakpakan ang audience.
Todo bigay rin ang grupo sa kanilang nga sumunod na sing and dance numbers.
         Bale, pangatlong concert na nila yun sa said venue, pero ang pagkakaiba sa two previous concerts nila ay may kasama silang banda ngayon,  kaya nakakanta sila nang live. At may boses sila,huh! Na ayon sa kanila, ideya ng kanilang manager na si Lito de Guzman ang pagkakaroon ng band sa kanilang concert.
         Siyempre hindi  maiwasan na maikumpara sila sa Maskulados, pero wala namn daw problema run..Idol nila ang said male group, pero gusto raw nilang makilala sa sarili nilang identity,ayon sa miyembrong si Mhack Morales.
        Bukod kay Mhack, ang iba pang miyembro ay sina John Mark Marcia, Juan Pablo Calma, Rave Obando, Jace Ranos Ian Briones, Asher Diaz at John Stane.
          Bukod sa concert, naka 2 singles na rin sila, ang "Huwag Mo Akong Titigan" at "Bintana." Out na rin soon ang kanilang 3rd single, ang "Tampo."
           Nangangarap din silang makapag-perform sa malaking venue tulad ng Araneta Coliseum.
         "Nangangarap po kami, Libre naman po ang mangarap," sabi ng niyembro na si Jace Ramos.
         Nagbigay ng suporta sa kanilang concert sina Marian Saint, Yda Manzano, Krista Miller, Megan  Marie at Ram Castillo.
       For booking inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page, maaari ring tawagan sa Viva Artists Agency  sa cell number 09177403522.
         Alam namin na malayo ang mararating ng Magic Voiz dahil bukod sa kanilang good looks, matitipunong katawan, oozing sex appeal, higit sa lahat ang kanilang talentong taglay ang pinakamabisang sandata nila.para magtagal sa mundo ng showbiz.

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards