"Kahit dalawa ang ratings ng 'Topakk,' R-16 at R-18, hindi na-sacrifice ang story nito" - Sylvia Sanchez

     
By Boy Romero 
   Marami ang nagulat-nagtaka kung bakit sa isang warehouse ginanap ang grand  media launch ng "Topakk" na pinagbibidahan ni Arjo Atayde. Produced ito ng Nathan Studios and an official entry to the 50th Metro Manila Film Festival with Richard Somes under the helm.
 v         “Yung lahat ng nakikita niyo rito, makikita niyo ‘to sa pelikula. Nagtataka kayo kung bakit nandito tayo, dahil ito po ay set ng ‘Topakk’, lahat po ng nakikita niyo rito” paliwanag ng producer na si Sylvia Sanchez.

         Nalaman namin na dalawang ratings ang ibinigay ng MTRCB sa "Topakk."  R-16 at R-18   Hindi kaya maapektuhan ang pelikula? 
       “Hindi po na-sacrifice ‘yung story. Yung story ng R18, ganoon din sa R16. Ang na- sakripsiyo lang namin ‘yung pagpatay, mga putukan, mga dugo, ayun lang kasi kailangan naming pumasok sa SM. Kasi alam namain natin ang SM, hanggang R16 lang. Ayun lang pero ‘yung mga bagets na ayaw ng maraming dugo sa R16. pero doon sa mga gusto talagang makakaita ng bugbugan, sapakan sa R-18.  Alam niyo po ‘yung bida naming si Julia, hindi lang niya sinasabi pero ‘yung isang eksana doon, puro dugo siya, napako siya, nauntog ‘yung ulo niya. Hindi niya cinut. Makikita niyo naman pagdating sa set.” dagdag pa niya.

           Super puri ang magaling na aktres sa cast ng "Topakk." Ang gagaling daw nilang lahat at pagmamalaki pa niyang sinabi na pag napanood daw ang pelikulang ito ay sasabihin nilang nag-level-up na ang mga action film.
          Bukod kay Arjo, join din sa cast sina Julia Montes, Sid Lucero, Maureen Mauricio, Cholo Barretto, Enchong Dee at marami pang iba pa.
        Showing ang "Topakk" sa December 25 in cinemas nationwide.

Popular posts from this blog

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Chavit Singson, wawakasan ang kahirapan ng mga Pinoy

Ahon Mahirap - Party list na mag-aahon at wawakasan ang kahirapan ng mga Pinoy