Ahon Mahirap - Party list na mag-aahon at wawakasan ang kahirapan ng mga Pinoy

By Boy Romero   

     Marami na ang mga Party list na para sa mahirap ang nakaupo ngayon sa Kongreso. Marami na rin silang mga nagawang batas para sa mahihirap nating mga kababayan pero hanggang ngayon nagdudumilat ang katitohanan na marami pa ring mga Pinoy ang naghihikahos sa kanilang buhay.
          Pero iba ang Ahon Mahirap, ang partylist na iaahon at wawakasan ang kahirapan ng mga Pinoy.
        Ang Ahon Mahirap ay isang adbokasiyang grupo na nagnanais na mapawi ang kahirapan sa pamamagitan ng katarungang panlipunan, karunungang pinansiyal at pang-ekonomiyang pagpapaunlad.
          Ang Ahon Mahirap ay may tatlong pangunahing inisyatiba. Ito ay ang mga Financial Literacy - Ito'y isang mahalagang aspeto ng pamumuhay na dapat taglayin ng bawat mamamayan. Layunin ng programang ito na turuan ang mga Pilipino ng tamang pamamahala ng kanilang pananalapi upang matiyak ang kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga seminar at workshop, tutulungan nila ang mga pamilya na mag-budget, mag-ipon at mag-invest nang maayos. Isusulong din nila bilang legislative agenda ang maisama ang Financial Literacy sa  curriculum sa elementarya.
        Economic Empowerment - Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng sapat na oportunidad sa komunidad upang umangat sa buhay. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa enterprenuership, pagbibigay at pagtuturo ng mga sustainable livelihood programs.tutulungan nila ang mga pamilya na magkaroon ng matatag na buhay at sariling kita.
          Social Justice - Ito'y isa sa mga pangunahing adbokasiya ng Ahon Mahirap. Naniniwala sila sa pantay-pantay na opportunidad at equal access sa mga programa ng gobyerno para sa lahat. Magsusulong sila ng mga batas at patakaran magtataguyod ng pagka-kapantay-pantay at katarungan sa lipunan. Isa na rito ang No Age Limit Policy sa paga-apply ng trabaho kung saan ang lahat ay may kakayahan ay maaari pa ring magtrabaho na hindi nakabase sa edad at seksualidad. Tinitiyak nila ang karapatan ng bawat mamamayan lalo na ang mga nasa laylayan at ma-protektahan at mabigyan ng pantay na oportunidad.
         Ang mga nominado ng Ahon Mahirap ay sina Wilbert Tolentino - isang pilantropo, businessman, talent manager at social media influencer. Siya ay aktibong sunusuporta sa iba't ibang charitable causes at naglalayong mag-empower ng mga disadvantaged communities at mga nasa laylayan Nagawaran ng pinakanataas na parangal mula sa Rotary Club, ang Arch Klump Society at kinilala rin bilang isang matagumpay na businessman. Siya ang Chairman ng Ahon Mahirap.
       Mayor Ike Ponce - Siya ang kasalukyang Mayor ng Pateros. Kilala si MayorPonce sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod, malinis at maunlad na pagpapatakbo ng kanyang nasasakupan.
         Erimar Ortigas - Siya ay dating flight attendant at OFW. At ngayon ay isang business marketing expert.
         Kristine Caballero Aplal - Siya ay dating beauty queen at ngayon ay General Manager ng Miss Asia Pacific International. Isang huwarang ina at lider ng community sa Quezon City Siya ang tumatayong presidente ng Ahon Mahirap.
                May mga iba pang programa ang Ahon Mahirap tulad ng Ahon Malasakit, Ahon Bigas, Ahon Tindahan at Ahon Kababaihan.
        Dahil sa maranning programa, may kredibilidad at integridad ang mga nominado, karapat-dapat na maiupo sa Kongreso ang Ahon Mahirap sa darating na midterm election.
         At dahilna rin sa magbibigay ito ng tunay na serbisyo sa bawat Pilipino 
         Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Ahon Mahirap, bisitahin ang kanilang website sa www.ahonmahirap.com at i-like and follow sila sa kanilang official FB at Tiktok page@ahonmahirappartylist at IG page na @ahonmahirap. And you may contact at 09171058453. At sa email add info@ahonmahirap.com

Popular posts from this blog

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Chavit Singson, wawakasan ang kahirapan ng mga Pinoy