Vilma Santos, Dream project ang " Uninvited."

     
By Boy Romero 

    Pasabog, pabulosa at napakabongga ang grand launch ng "Uninvited." Ginawa ito sa Solaire Resort North and hosted by Robi Domingo and Kaladkaren.
Bida rito sina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre. Join din sa cast sina Mylene Dizon, Gabby Padilla, Nonie Buencamino, Ketsup Eusebio, Cholo Barretto, Ron Angeles, Rk Bagatsing, Gio Alvarez at Lotlot de Leon.
Mula ito sa Mentorque Productions ni Bryan Dy at sa direksiyon ni Dan Villegas. Official entry ito sa 50th Metro Manila Film Festival and showing on December 25 in cinemas.
          Inamim ng Star For All Seasons na dream project niya ang "Uninvited."
         "Noon kasing iniinterbyu ako kung ano yung dream project ko. Sabi ko, 'kung magdidirek ako, matagal ko nang sinasabi na kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko yung kuwento na nangyari  ang pelikula in 24 hours, na nag-umpisa nang maganda at matatapos na dilapidated na," paliwanag pa niya 
          "At my age na rin, I want to make sure that I will do a movie that I think can still challenge me. Na palagay ko, kahit paano sa movie na ito ay na-challege ako. I don"t think about winning the Best Actress last year. Ang gusto ko lang ay makagawa kami ng  magandang movie na maipagmamalaki nanin sa lahat," dagdag pa niya.
        Last year sa MMFF sy  nagmay entry din siya na "When I Met You In Tokyo" at ngayon ay may entry uli, ang "Uninvited." Ibig bang sabihin, pang-festival lang ang byuti niya?
          "Actually nagkataong lang nakapasok siya sa MMFF. When we were planning the story of the movie, wala sa planong isali namin ito sa MMFF. Ang usapan lang namin is to really make a movie that we can be proud of. Pero sinuwerte na nakapasok sa MMFF,  natanggap at thankful kami for that. Baka, it was meant to be," pagratapos ni Ate Vi.

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards