Klinton Start, handa na sa concert ni Sephy Francisco
By Boy Romero
Handang-handa na si Klinton Start sa concert ni Sephy Francisco. Gaganain ito bukas sa November 8, Viva Cafe.
Isa si Klinton sa mga guest ni Sephy.
Sigurado kaming kaabang-abang ang number ng batang negosyante dahil napakagaling niyang magsayaw sa stage..Halimaw kung mag-perform sa dance floor kaya nga siya tinawag na Supremo ng dance floor.
Kami mismo ay nasaksihan namin ang hayop na performance ni Klinton sa isang out of town show. He has the ability to connect with his audiences. Amazing and stunning ang paglalarawan namin sa kanyang kakayahan bilang isang performer.
Kaya tiyak kaming kalulugdan ng saya at satisfaction ang.mga manonood sa concert
Grateful si Klinton kay Sephy sa pagkuha sa kanya para makasama sa concert nang huli. Muli na naman niya kasing maipapakita ang galing sa pagsasayaw.
Alam namin na malayo pa ang mararating ni Klinton sa mundo ng showbiz dahil punumpuno talento. Hindi makakapagsinungaling kasi ang talento ng isang nilalang tulad ni Klinton.
So, what are you waiting for?
See you at Viva Cafe, Cubao, Quezon City tom, 8pm onwards.