Ken Chan, Wanted sa 14M, Kulong habambuhay
Bagamat bigo uli ang pangalawang pagse-serve ng warrant of arrest sa Kapuso actor na si Ken Chan nang ihain ito sa bahay niya sa isang subdivision sa Quezon City kahapon ng umaga, sabi ng abogado ng nagrereklamong di nagpakilalang isang negosyante,may gagawin pa rin sila pero diraw.muna sasabihin para di makuryente ang kanilang plano.
Si Ken ay kinasuhan ng syndicated estafa. Non bailable ito at may parusang reclusion perpetua o pagkakulong habambuhay.
Nakausap ng media kahapon si Atty Joseph Noel Estrada, lawyer ng businessman na hinahabol ang 14M na ininvest nito sa korporasyon ni Chan.
Pinaliwanag ni Atty Estrada kung bakit nasampahan ng kasong Syndicated Estafa si Ken Chan at pito pang akusado.
"May complainant na according to the complaint, hiningan ng investment ni Ken Chan. Hindi naman sila authorized to solicit investments from the public. And using misrepresentation and fraudelent schemes, nakakakuha sila ng pera against the complainant."
Dagdag pa ng abogado na dalawang beses ang pagkakabigay ng 14M at si daw Ken mismo ang tumanggap.
Sa isang complainant pa lang ito, pero di naman sure si Atty Estrada kung may iba pang complainants na magsasampa rin ng ganitong kaso.
Mabigat ang kasong kinanasangkutan ng aktor. Kailangan niyang lumutang kung nasaan man siya ngayon para harapin at ayusin ang kaso.
Kailangan ding marinig ng mga tao ang kanyang side kung bakit umabot siya sa ganitong sitwasyon.
Magaling na aktor si Ken Chan at alam naming may magagawa siyang paraan na alam at kaya niya para maayos ang kasong kinasasangkutan.
Bukas ang blog site na ito para sa panig ni Ken.
,"