Jimmy Bondoc, aminadong maka-Duterte, pero ang lotalty ay sa mga tao at batas

        
By Boy Romero 

  Humarap sa media ang singer, songwriter at ngayon ay isa ng abogado na si Jimmy Bondoc. Isa siyang senatorial aspirant sa darating na nid term election.
         Si Bondoc ay kilalang isang staunch supporter ng dating pangulong si Rodrigo Duterte.
          At ngayong nasasangkot sa kontrobersiya ang dating pangulo at anak nitong na si Vice President Sarah Duterte, di kaya maapektuhan ang kanyang candidacy?

“I’m running on a campaign of principle. Hindi po ito loyalty sa mga pangalan kundi loyalty sa mga prinsipyo and right now ang mga prinsipyo ko at matagal na rin ay talagang align naman talaga mga Duterte. Dito sa mga recent na bangayan, nakakatulong po sa awa ng Diyos ‘yung nag-abogado ako and tinitgnan ko ‘yung legal aspect para malayo sa politika. At sa legal aspect, hindi ako nagsalita, hindi ako nag-post until dumating si Atty. Zuleika Lopez at mula doon sa contempt, na doon palang talagang takang-taka na ako sa grounds nung comtempt. Biglang in the middle of the night pinalilipat sa Women’s Correctional. Hindi ko po talaga matanggap ‘yon. So in terms of loyalty, I’m not loyal to families, I’m loyal to principles, and in terms of law. Ang pinaglalaban ko rito is hindi ‘yung bangayan nila kundi ‘yung ‘wag naman po natin basagin ang mga batas natin para lang sa politika. Sana naman po sundin natin ang due process. , mahabang pahayag niya.
         Samantala, ibinahagi rin ng singer na ikakasal na siya sa February 2, 2025. Gaganaoin ito sa Manila Cathedral at ang reception ay sa Manila Hotel.
         Ang kanyang bride to be ay isa ring lawyer.
          Isa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging nonong.


Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards