Bianca Tan, handa sa intriga at bashing, wag lang idamay ang pamilya
By: Boy Romero Nakausap ng entertainment press ang baguhang aktres na si Bianca Tan recently.
Masuwete si Tan dahil kasisimula pa lang niya sa kanyang showbiz career ay nabigyan na siya agad ng project, ang "Beieve It Or Not" kung saan markado ang kanyang role bilang na isang bully.
Gusto niyang maging bida-kontrabida ang career path pero may ibinibigay na kaloveteam ang kanyang management, pero di pa niya alam kung sino.
Pumirma siya ng 2-year contract sa AFA Entertainmenr Artist Management at ngayon pa lang ay marani nang naka-line-up na projects psra sa dalaga.
Si Bianca ay isang Filipino Chinrse, model, dancer, cosplayer at footbal player. Nagtaos siya ng Business Enterprenuer major in Operations Management sa Enduren Colleges.
Kakambal ng showbiz ang intriga, pero sabi naman niya, handa raw siya.
"Handa naman po ako sa intriga o bashing, ang ayaw ko lang po ay madamay ang panilya ko, so ako na lang po ang kanilang i-bash, wag po ang pamilya ko," pahayag pa ni Bianca.
Hanga at idolo niya si Heart Evangelista, si Andrea Brillantes ang gusto naman niyang maka-eksena ng sampalan kung mabibigyan siya ng project na kontrabida ang role. Magaling umarte raw si Andrea at sikat pa.
Gusto rin niyang makatrabaho sina Alden Richards, Dingdong Dantes at Paulo Avelino.
Determinado, pursigido at loaded ng talents si Bianca kaya alam at nararamdaman namin na malayo ang mararating niya mundo ng showbiz.
With right people, supportive management around her, how could she go wrong?.She"s definitely tracking on the right lane.
Bianca Tan is a cut above the rest, indeed!