'Mamay: A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story, lilikha ng malaking pag-asa sa mga taong mahihirap

By Boy Romero 


         Isang malaking tagumpay ang ginanap na red carpet premiere night ng pelikulang 'Mamay: A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story sa SM Megamall Cinema 1 nung August 26, 2004.
            Kuwento ito ng buhay ni Nungnungan, Lanao Del Norte Mayor Marcos Mamay mula chidhood hanggang maging isang public servant.
            Isang advocacy film ito na tinututukan ng magiting mayor para mag-inspire aa mga tao, lalo na sa mga kabataan.                            Mapupulot at ipapamulat ng pelikulang ito na ang kahirapan ay hindi hadlang para makapagtapos ng paga-aral.Basta determinado at pursigido ka, maaabot mo ang yung pangarap.
          Pag-amin pa ng magaling na mayor ay 100 percent na totoo ang pagsasapelikula ng buhay nita, kinunan kung saan siya lumaki, nag-aral, nagteabaho.
           Bukod sa Nunungan, nag-shoot sila sa Manila, Baguio,  Cagayan de Oro, Dubai, India, at Bangladesh.
          Dahil isa siyang Muslim, naging assistant direktor siya para from time to time, ma-monitor niya ang mga bawat eksena ay tama sa kultura ng mga Muslim. at para hindi raw siya ma-bash.
Marami raw kasing mga bawal sa Muslim tulad nang nagsisimba nang nakasapatos at bawal ang holding hands na 'di pa kasal.
          All out ang support ng cast. Bukod sa bidang si Jeric Raval, bilang si Mayor Mamay, dumalo rin sina Ara Mina, Julio Diaz, Sabrina M, Teejay Marquez, Ron Angeles, Alvin Fortuna, Dennis Coronel at Julio Diaz.
Sumuporta rin ang magaling na singer na si Sheryn Regis.Sa direksiyon ni Neal Buboy Tan.

        

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards