Klinton Start willing maghintay kay Janah Zaplan


BY BOY ROMERO 
          Sa birthday party ni Daddy Boyet Zaplan ( Star Pop Artist Janah Zaplan's dad) na ginanap sa Manila Hotel nung September 15, ibinuking na usang entertainment writer na nanliligaw ang actor-dancer-businessman na si Klinton Start.
          Iss sa nga bisita ang binata kaya agad namin siyang kinunan ng reaksiyon .
          "Ang totoo po tito, magkaibigan lang po kami ngayon ni Janah. Knowing po na may dapat pa siyang gawin at ayusin sa school niya. At ako rin naman po ay busy rin sa work.
          " We'll see po kung ano ang mangyayari sa future kung darating kami sa ganu'ng punto," pahayag ng magaling na dancer.
          So, ano ang status nila ngayon ni Janah?
          "Gusto ko lang pong maging totoo, we're friends po." pag-amin pa niya.          
          Pero aminado si Klinton na dumadalaw ito sa bahay ng dalaga. Kapag nay event, nagpupunta siya at nagpapaalam sa daddy ni Janah.
          Ang pagiging Chistian at simple ni Janah ang nagustuhan niya sa dalaga. Yung peelrsonality rin dahil di raw siya tumitingin sa panlabas na kaanyuhan. At mas higit niyang nagustuhan sa babaeng Piloto ay ang mapagmahal sa pamilya, sobrang bait at magalang nito.
Si Janna na ba ang gusto niyang maging the one?
         "Sa ngayon po, di ko po alam. Mahirap pong magsabi. Tingnan na lang po natin kung ano ang magiging kapalaran namin"
        Nag-debut at nakatapos na ng paga-aral si Janah pero ayaw pa siyang magkaroon ng boyfriend ng ama nito.
         Willing ba siyang maghintay?
          "Matagal na po kaming magkaibigan ni Janah at di naman po ako nagmanadali," deklarasyon ni Klinton.
            Tapos ng pag,a-aral ang binata sa Trinity School ng Marketing Management at sa movie naman niya kung ano raw ang dumating lang. Alam naman daw natin na di forever ang kita sa showbiz, dapat daw ay may fallback ka at sa ngayon kahit na may business na sila ng kanyang family, ang purpose niya ngayon ay makapagtayo ng sariling business.
          So there!
        

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards