Piolo Pascual, gaganap sa musical remake ng “Himala”
Showbiz-Round Up.ph
By: Boy Romero
There’s no more stopping Vince Tanada, after ng dalawang matagumpay na musical plays, ang “Hero Z” at “Maria Goretti,” tutok ang oras at panahon ni Direk Vince sa kanyang latest ambitious project, ito ang musical remake ng pelikulang “Himala.”
Totoong may himala. Kinumpirma ito ng brilyong direktor sa kanyang lates post na kasama sina Ricky Lee at Piolo Pascual na may caption na “Tara na shoot na. Lapit na! With the iconic National Artist and the incomparable Papa P.”
Sa katunayan, matagal nang nasabi ni Direk Vince sa aming panayam sa kanya, na gustong-gusto niyang gawin ang remake ng pelikulang ito na dinirek ng namayapang Ismael Bernal at pinagbidahan ni Nora Aunor.
Kuwento pa nga niya sa amin noon na kinabahan at natakot siyang nang tawagan niya si Maestro Ricky Lee to inform him na interesado nga siyang i-produce ang klasikong pelikulang ito.
Yes agad ang sagot ng magaling na scriptwriter kaya labis ang saya at tuwa ni Direk Vince
Gaganap si Piolo Pascual at noon pa man sa simula nang pag-uusap, si Piolo na talaga ang nasa isip ni Direk Vince at ng buong production meeting.
Isang big budgeted film ito kaya si Direk Vince will take all of the stone for this movie.
Kaya nakatitiyak kami na lalabas itong isang masterpiece na magugustuhan ng lahat. Kilala na kasi ang pagiging pasionate at brilyong imahinasyon ni Direk Vince sa paggawa ng pelikula. Nag-iiwan ng tatak. Ng marka sa mga manonood tulad sa “Katips” at “Noy,”
Marami ang nagtatanong kung ano ang magiging role rito ni Piolo dahil nga si Ate Guy ang bida rito. Hindi pa nagbigay ng detalye si Direk Vince kung ano ang magiging karakter dito ni Piolo. Pero siyempe, tiyak na markado ang papel ni Piolo dahil hindi naman siguro tatanggapin ito ng aktor kung walang significant ang karakter.
Nakalatag na rin yung mga ibang cast dahil sa pre-production meeting, nag-casting na sila. Pati na rin sa maraming crowd na gagamitin, andiyan ang mga PSF talents at iba pang mga proffesional extra.
Sa gaganap na Elsa, played by the Superstar, wala pang binanggit si Direk Vince, though sa panayam namin sa kanya noon, si Nadine Lustre ang napipisil niya.
Ang musical renake ng “Himala” ay isang malaking balita sa showbiz Industry. One of the greatest fims in Asia kasi ito.
Kaya sobrang saya at may halong excitement ang nararamdaman ngayon ni Direk Vince dahil ang matagal na niyang pangarap na gawing remake ay matutuloy na.
Mula pa rin ito sa Phil Stagers Film at si Pipo Cifra ang musical director.
Tapos na rin ang theme song nito, ang “Himala Ng Pag-ibig” composed and arranged by Pipo Cifra with the collaboration of Direk Vince and to be interpreted by Star Awards for Movies and FAMAS Best Supporting Actor Johnrey Rivas and PSF artist Yvonne Ensomo.
Everyone cannot wait to see this musical remake of “Himala.”