Elia Ilano, Viva’s Next Important Star
By: Boy Romero
Viva Films has found a new gem in Elia Lano. She has all that it takes to be a star. Napakahusay umarte.
First time namin siyang napanood sa “Maria Goretti” isang musical play mula sa Philippime Stagers Foundation at sa direksiyon ni Vince Tanada.
Bida sa play na ito ang 14 years old na aktres. At di namin maitago ang aming paghanga dahil napakahusay niya. Ramdam na ramdam namin ang karakter niya. At nagulat kami dail first time niyangg gumanap sa enrablado.
Nag-audition ang Viva Artist talent sa play na ito pero nang makita ni Direk Vince sa isang award giving body, siya na ang personal choice.
Aminado si Tanada na di siya ganon kagaling kumanta si Elia dahil nga di naman ito pang-teatro, pero nagulat na lang si Direk Vince sa sobrang bilis niyang mag-adjust, mabilis mag-interact sa kanyang mga kasamang kapwa taga teatro at mabilis itong maka-relate sa kanyang karakter. Teatrong-teatrong na siya.
“Hindi siya mahirap turuan,” pahayag pa ng Direktor ng “Katip,” “Ang Bangkay,” at “Ako Si Ninoy.”
Sabi naman ni Johnrey Rivas, kasama niya sa play, di naman daw kailangang magaling kang umarte, ang mahalaga raw ay naii-converse ang ibig sabihin at yun ang nai-deliver ni Elia.
Kaya sobrang grateful si Elia kay Direl Vince dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya. Alam daw niya kasi na kung gaano kaagaga;ing ang kanyang mga makakasama sa play. Hindi naman daw sya ganun kagaling kumanta nakasasayaw, pero angforte niya ay akting. And she just simply gave her best.
Wonder no more sa galing sa pag-arte ni Elia. Nagwagi siyang Best Child Performer sa PMPC Star Awards for “House Maid” at nominated siya sa FAMAS para sa “Ghost Tales” at ang awards night ay gaganapin sa May 26, Linggo sa Manila Hotel.
Nasa akward stage si Elia, kaya pina-plantsang mabuti ng Viva kung anong path ng career ang gagawin para sa kanya, pero most likely gagawin siyangisang dramatic actress.
Siya na ang l Viva’s next is important star.
And she will really go places, With her truckload of talent how can she go wrong? She’s definitely tracking on the right lane.
Indeed. Elia is a cut above the rest.