Revilla Law: Bonus at tulong-pinansyal para sa senior citizens
By: Boy Romero
Lubusang matutuwa ang ating mga lolo at lola dahil sa pag-amyenda sa Centenarians Act.
Sa tulong ng mga Revilla, si Sen. Bong Revilla sa Senado at sina Rep. Lani Mercado-Revilla (District Representative of the 2nd District of Cavite) at Rep. Bryan Revilla (Agimat Partylist) sa Kongreso, ay ganap na batas na ang Republic Act No. 11982.
“Kaya tinawag naming Revilla Law ito dahil tulung-tulong kami tatlo sa pagsusog nito sa Senado at Kongreso,” sambit ni Sen. Bong sa ginanap na courtesy call ng pamunuan ng Phiillippine Movie Press Club (PMPC) sa kanyang tanggapan kamakailan.
Sa pagsasabatas ng Republic Act No. 11982, makakatanggap ang mga Senior Citizens ng cash gift na nagkakahalagang ₱10,000 sa pagtungtong nila ng 80, 85, 90, at 95 years old bukod pa sa matatanggap nilang ₱100,000 sa pagtungtong nila ng 100 years old.
“Naniniwala ako na bukod sa malaking tulong sa ating mga seniors, magandang motivation din ito para mas lalo nila gustuhin ang long and healthy life,” dagdag pa ng butihing senador.
“Kaya naman dapat ay magpa-register na sila OSCA o Office of Senior Citizens Affairs ngayon pa lang dahil next year, 2025, pa ito makukuha. Hindi po kasi ito kasama sa budget ng 2024. Napaaga po kasi ang approval ng ating mahal na Pangulo Bongbong Marcos. Kaya isa na po itong batas at lahat ng may birthday this year na 80, 85, 90, at 95, lahat sila makakakuha ng bonus na P10,000 next year,” paliwanag ni Revilla.
Ayon pa sa senador, P2.2 billion ang inisyal na kailangan upang mabayaran ang unang batch na beneficiary para sa 2024.
At kahit busy at dedicated bilang public servant, gumagawa ng paraan si Sen. Bong para naman sa kanyang first love – ang larangan ng pag-arte sa telebisyon at pelikula. Nagpapasalamat ang actor-politician sa mainit pa ring pagtanggap ng TV viewers sa action-comedy series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa Kapuso Network.
“Maraming salamat sa inyong pagtangkilik at sa mga hindi pa nakakapanood, manood po kayo at makikita nyo na talagang pinaghihirapan namin ito dahil pam-pelikula ang aming ginagawa, ang stunts pati na rin production. Siguradong matutuwa kayo dahil action-comedy, pang pamilya pa,” ayon pa sa Titanic action star.
Aniya, may mga pelikulang pinaplano rin para sa MMFF2025 at big action movie na tipong “Expandables.” Pero for now wala pang official announcement dahil napakahirap i-gather lahat ng cast at nasa planning stage pa lamang pero ang sigurado na ay ang pagsasapelikula ng pang-apat na yugto ng “Alyas Pogi” na ayaw pang sabihin ng butihing senador ang kanyang magiging leading lady.