Sarah Javier, muling tatanggap ng award sa Amerika
By: Boy Romero
Versatility is the name of the game. Ito ang alas ni Sarah Javier kung bakit patuloy siyang kinikilala at binibigyng pagpapahalaga sa kanyang mga nagawa, nagagawa at magagawa pa sa mundo ng entertainment industry.
Dedicated at passionate si Sarah sa kanyang craft at kitang-kita ito sa lahat ng anggulo at aspeto.
Versatile kasi si Sarah. Magaling kumanta, umarte composer at isang beauty queen pa. Kumbaga, complete package siya.
Kaya muli namang napansin at kinilala ang kanyang kakayahan. Muli siyang tatanggp ng award sa Amerika mula sa Amerika Pressige Awards at ito ang Most Outstanding Singer, Songwriter, Actress, Beauty Queen of the year, na gaganapin sa May 18 sa Celebrity Centre International Hollywood, California.
October of last year, tumanggap din si Sarah ng dalawang awards sa Amerika at Japan.
On her music career, katatapos lang niyang sulatin ang “Pantay Na Pag-ibig” para sa mga LGBQT+
Alay at pagpapahaga niya ito sa nasabing community kaya tiyak na mamahalin at kalulugdan siya ng mga miyembro nito.
On her acting career, kasama siya sa pelikulang “Ang Bangkay” produced by Phil Stagers Film and directed by Vince Tanada.
Bago ag international release nito, magkakaroon ng Special Preview ito ngayong araw sa NarraPost Production House.
Markado ang role rito ni Sarah at tiyak na mapapansin ang akting niya rito.
Bukod kay Sarah, tampk din sa “Ang Bangkay” sina Vince Tanada, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lala Montelibano, Mercedes Cabral, Juan Calma, JP Lopez at OJ Arci.
Alam naming marami pang awards ang darating pa para kay Sarah at di mawawalan ng trabaho dahil kailanman ay hindi makapagsisinungaling ang kakayahan at talentong taglay niya.
Sarah Javier got a truckload of talents, indeed.