PHILRACOM, TUMATANGGAP NA NG APLIKANTENG BABAENG HINETE
By: Boy Romero
NGAYON na magkakaroon ng katuparan ang pangarap ng isang babaeng noon pa ay nais nang magrenda at lumatigo ng kabayo sa larangan ng pakikipagkarera sa loob ng racing tracks.
Mula nang magsimula ang karera noong dekada '70 sa bansa at mamayagpag ang tikas at galing ng mga kalalakihang hinete sa pagdadala ng kanilang mga mahuhusay na kabayo ay halos dominado ng mga lalaki ang naturang larangan at walang nakikitang babaeng nagiging hinete.
Sa ibang pandaigdigang kompetisyon, ang mga pangalan nina Sara Ender (bilang trainer) at Joana Mason (female jockey) ay nagpapatuloy na sumisikat sa mga kompetisyon at itinuturing pang top jockey pagdating mga bigating stakes races.
Kaya naman hindi lamang ang mga banyagang babaeng hinete ang malalakas ang loob pagdating sa paglatigo ng mga kabayo sa karera kundi may mga Pinay na ring nangangarap at nagnanais na makasampa sa race track at maranasan na ang kumita ng daang libong piso na suweldo at iba pang umento na ipagkakaloob ng Philippine Racing Commission.
Dahil diyan, agaran ang panawagan ng PHILRACOM na nais ipaabot sa mga kababaihang Pinay na ihanda na at kumpletuhin ang kanilang mga resume o biodata, may sapat na training sa pagrenda ng kabayo at bumisita sa kanilang tanggapan sa 4th Floor Electra House Bldg., Esteban St., cor. V.A. Rufino St., Legaspi Village, Makati City at hanapin si Stella Marie Datayan ( +639278394628).
Ang matatanggap na aplikante ay sasailalim sa masusing training sa horseracing na aasistehan ng PHILRACOM.
What we nee are young women age to 18; to 28;years old. And not more than 105:lbs.
And willing to train as future Jockeys in Malvar Batangas.
JOckeys can earn 50k to more than 100 k per month.
Here are the number of Commisioner Reli De leon 09178168675