Borracho Films, full blast na sa paggawa ng pelikula; target makapasok sa international market

By: Boy Romero
                       Pagmamahal sa showbiz industry at para mabigyan ng trabaho ang showbiz people ang rason ni Atty. Ferdinand Topacio, producer ng Borrocho Films sa patuloy na paggawa ng mga pelikulang Pilipino. Gagawa siya ng mga pelikulang may appeal globally para makapasok sa international market sa pamamagitan ng streaming on demand gaya ng Netflix.
Masaya niyang ibinalita na ang unang venture ng Borracho Films, ang pelikulang "Mamasapano" ay nasa Netflix na at nagsimulang napanood nung December 1 in all teritories at tatagal ito ng isang taon.

 "And I would also like to congratulate those who have been supporting "Mamasapano', at ito na nga po, ipinaglaban din namin 'to, kung alam niyo lang ang dinaanan namin kasi politically charged 'yung pelikula but naipakita rin natin sa Netflix na karapat-dapat nilang bigyan ito ng multi-awarded movie. It gathered 5 awards sa Metro Manila Film Festival, na-nominate din 'yung team song kagabi doon sa entertainment editors at bagmat hindi nanalo I'm grateful for the honor. It was also nominated sa Luna Awards. Okay lang 'yon, you don't have to win, you just have to be gratified by the fact that people are recognizing that you are making quality movies. ” pahayag ni Atty. Topacio.
 
Dahil dito, magiging full blast na ang Borrracho Films sa paggawa ng mga pelikula na may mga kalidad at maipagmamalaki sa buong mundo.

“By February, hopefully, we will have a full-blown machinery for Borracho Films na kumpleto na yung admin, and some of the people here are going to be heading the various departments: Direk Lester for Creative, Juvz Tesalona sa production, Ann Venancio for publicity and promotions, at si Dennis Arce sa talent developments,” pagmamalaki pa ng batikang abogado.


Inilunsad din ang talent management arm ng Borracho Films Production, ang BORRAT (Borracho Artists and Talents) na siyang mangangalaga sa mga baguhang artists na sina Fiona Phoebe, Tala Zaldivar, Stella Blanca, Luna Bella, Anyah Koh at ang nagbabalik showbiz na dating sexy star turned politician Barbara Milano. Lahat sila ay ipinakilala sa press noong November 27, 2023 na ginanap sa Valle Verde Country Club.



Nang iharap ang mga ito sa entertainment press nagpamalas sila ng kani-kanilang mga talento at pasable rin sila sa pagsagot ng mga iba't ibang tanong na ipinukol sa kanila ng media,
Ngayon pa lang ay may naka-line-up ng project sa mga ito.With Atty. Ferdinand Topacio and Borracho Film's support how can their artists go wrong?
They will surely go places!

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards