LA Santos sobrang natakot kay Maricel Soriano sa pagsasama nila sa “In His Mother’s Eyes.”

By: Boy Romero  

                          INAMIN ni La Santos na natakot siya sa pagsasama nila ni Maricel Soriano sa pelikulang “In His Mother’s Eyes” under the helm of Direk FM Reyes.                                         
                        “Natakot po ako sobra tsaka lalo na po nung unang-unang day palang po ‘yung mga linyahan ko po ang hahaba na po kaya nabigla po talaga ako kaya sobra po akong naging thankful sa director ko na si DirekFM Reyes kasi hindi niya po ako pinabayaan. Sinigurado niya po talaga na maganda ang bawat eksena. Hindi niya gino-good take hangga’t maayos na po talaga. ”

                                Pwedeng paki-share mo ‘yung natutuhan mo from Maricel and Roderick Paulate pagdating sa acting?        
                               “Maging totoo lang po. Ayun ‘yung paulit-ulit nilang tinuturo sa akin na maging totoo lang ako kasi makikita lahat ng camera eh kapag pineke ko or inaarte ko dapat talaga nandoon ako sa eksena at nandoon ‘yung puso ko at syempre enjoyin ko lang ‘yung trabaho ko na ‘to kasi hindi po tayo lahat nagagawa ang tabahong ito kaya I’m so so blessed to be doing this movie po tsaka habang buhay ko ‘tong dadalhin lalo na po ‘yung mga lessons na naakuha ko po sa kanila.“

                                Saan ka pinaka nahirapan?

                              “Aminin ko po sa totoo lang lahat, mahirap naman po talaga ‘yung ganap ng special kid po. Hindi po siya biro lalo na po gusto ko pong mabigyan ng justice ‘yung mga special na tao kaya lahat ng eksena po is hindi ko siya binasta-basta, bawat eksena sinigurado kong maganda talaga po kaya excited ako na makita niyo po ito kasi ano siya eh, this is probably the challenging na role na ginagwa ko sa buong buhay ko,” pahayag pa ni LA
                               Sabi ni Maricel na napakahusay niua sa pelikulang ito. Umaasa ba siyang makasungkit ng award?
                              “Sa totoo lang po ako hindi ko po ‘to ginagawa para sa awards, ginagawa ko po ‘to dahil gusto ko po talagang gumaling lang. Tsaka ayoko po na ano eh, maging kahon ‘yung vision ko. ‘Yung vision ko kasi as an actor hindi lang sa mga awards eh, gusto ko talaga magpasaya ng mga tao,” deklarasyon pa ng binata
                       Paano niya pinaghandaan ang kanyang karakter?
                   “Nag-immersion po ako, nakipag-meet po ako sa mga mommy na may anak na special po, tapos nakipag-usap po ako sa mga special na bata po. Inalam ko po lahat, buhay po nila, kung paano sila mag-isip, ano pong pinagdadaanan nila. Inalam ko po lahat ‘yon kasi ginawa ko po ‘yung best ko, ‘yung pagiging respectful po sa mga scpecial na tao po. Tsaka po ano eh, gusto ko talaga na kapag pinanood ng mga tao, sasabihin nila na ‘totoo nga ‘yan, totoo ‘yang mga nangyayari” pagtatapoo ni LA.

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards