On his marriage life ... "I'm very satisfied. I'm living a quite life now - Kier Legaspi

By Boy Romero


                   Nakatsikahan namin si Kier Legaspi  nung Miyerkules nang tanghali. Fresh at guwapo ito. Kinumusta namin agad siya.

                "Hello, hello, I'm very happy. I'm married and I'm satisfied. I'm very satisfied. I'm living a quiet life now.”


                  Matagal siyang nawala sa eksena Ano ang naging dahilan? Nanibago at nagsawa kaya siya sa showbiz? Hindi kinaya ang mga intriga?

                "Yah you know what, huminto ako for a while kasi nga na ano ako, na burn out sa acting kasi matagal na ako umaarte and then, I love acting so much na nung naramdaman kong medyo na bu-burn out ako, I stopped kasi nawawala 'yung performance mo eh. 'Yung init mo sa pag-arte and also nag-focus ako sa iba't ibang mga bagay like I got married and nagtayo kami ng business ng wife ko so everything went well naman so ngayon bumalik na ulit ako parang I'm okay now, nami-miss ko talaga 'yung acting." paliwanag niya.


              Isang magaling na aktor si Kier. Kaya ngayong nagbabalik siya, may offer agad siya sa GMA-7, ang “Black Rider” kung san isang kidnapper ang kanyang karakter.

     

             "I'm thankful kasi pilot week talaga, so sa unang week ayun ang exposure ko talaga and I'm very happy na naging part ako ng Black Rider."


           Ayon sa kanya, mabait si Ruru Madrid, bida ng “Black Rider”. Propesyonal at di raw ito kinikataan ng reklamo kahit napupuyat sa taping.



            Kumusta na ang relationship mo sa mga anak and kay Marjorie Barretto?

           "Kay Marj? Naku wala akong narinig. Sa ano ko naman, I just wish her the best you know and I'm sure maaayos din naman lahat 'yan in God's time and bilang ama kahit ano namang mangyari mahal mo 'yung anak mo eh. So I'm just here waiting, open naman ang line ko. Wala naman akong sinaradong pintuan. I'm just here you know especially now, nandiyan naman ang social media. Madali akong ma-reached or makausap," kwento niya.


              Pero nagre-reach out ka? 

              "Nagre-reach out? honestly speaking, I didn't give up but I stopped. I stopped kasi ano eh, alam mo 'yung pilit mong hinahabol, dati pa hinahabol mo pero 'yung hinahabol mo naman tumatakbong papalayo. Mayroon kang hinahanap pero 'yung hinahanap mo parang nagtatago so sabi ko 'okay'. Pina sa Diyos ko nalang lahat, pina sa Diyos ko lahat. Nung sinabi kong I stopped meaning I'm just here, medyo napapagod lang si tatay mo. That's all. But I'm happy kung tatawag siya like i said, open 'yung line. Walang problema ron, anytime pwede akong makipag-usap sa kanya." pagpapatuloy niya.


                Kumusta kayo nang bagong wife mo?

               “Going 9 years na pero bago kami magpakasal 9 years na kaming boyfriend and girlfriend so technically 18 years together. So part na talaga siya. Sobra-sobrang daming adjustments nung kinasal but okay lahat. I'm very happy now. We have a restaurant, ganoon and then sometimes tumutulong- tulong din ako sa business niya you know syempre you help your wife as much as I can." 


              Bakit food ang napili niyong business?

              "Actually ano siya, business siya ng in law's ko and then binless kami na, binigyan kami ng branch. I'm grateful and thankful sa in law's ko and I'm happy for my wife."


               Ilan ang anak niyo? 

              "Ah ngayon wala pa kami kids and children but okay naman sa kanya kasi workaholic talaga siya so hindi first priority niya na magkaroon ng anak." pagtatapos ni Kier Legaspi.

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards