MTRCB nagbabala sa Publiko: Mag-ingat sa Fake News
By: Boy Romero
Pinabulaanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng Board ang isang kilalang personalidad na lumabas kamakailan sa isang Television Commercial ng isang Fast-food chain. Ang mga paratang na ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan.
Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi. Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at Kritikal na pag-iisip.
Patuloy na sumusuporta ang MTRCB sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at sa Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation. Naniniwala kami na dapat nang wakasan ang Fake News at hayaan na ang katotohanan ang maghari.