PMPC STAR AWARDS FOR TELEVISION, READY NA SA IKA-37 EDISYON!

 By Boy Romero 

        Handang-handa na ang PMPC Star Awards, Inc. sa pagsalubong sa 37th Star Awards for Television, na gaganapin ngayong Linggo, Agosto 24, 2025, sa prestihiyosong VS Hotel Convention Center, EDSA, Quezon City.

        Sa loob ng mahigit tatlong dekada, nananatiling layunin ng Star Awards na parangalan ang mga natatanging programa at personalidad sa telebisyon—mga obra at kuwentong nakatulong hubugin ang kamalayan ng sambayanang Pilipino.

        “Handang-handa na kami para sa ika-37 Star Awards for Television, at excited kaming bigyan ng karangalan ang mga palabas at personalidad na nagbigay ng di-malilimutang TV moments noong 2023. Tulad ng nakasanayan, ang Star Awards ay hindi lamang parangal—ito rin ay selebrasyon ng kinang, karangyaan, at kasiyahan,” pahayag ni PMPC Star Awards, Inc. President Mell T. Navarro.

        Pangungunahan ang gabi ng King of Talk na si Boy Abunda at ng Concert Queen na si Pops Fernandez, kasama sina Elijah CanlasGela Atayde, at Robi Domingo, na magdadala ng kombinasyon ng karanasan at kabataan para sa mas masayang programa. Tampok din ang masiglang opening number mula sa Pinoy Big Brother alumni na sina Jarren Garcia at Kai Montinola kasama ang rising PPop group na One Verse.

        Maghahandog naman ng madamdaming tribute medley sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado kasama si Christian Bautista, bilang pagpupugay sa mga tatanggap ng Lifetime Achievement Award: Caridad SanchezAriel UretaGeleen EugenioMalou Choa-Fagar, at Angelique Lazo. Dadagdag pa sa kasayahan ang pop-rock band na InnerVoices, at isang engrandeng finale mula kay Jed Madela.

        Itinatampok din ngayong taon ang mahalagang pakikipag-partner ng PMPC sa BingoPlus, ang nangungunang PAGCOR-licensed e-gaming platform sa bansa, bilang Presenter. Kasama rin ang VS Hotel Convention Center, na nagsilbing tahanan ng engrandeng selebrasyon at katuwang sa pagsusulong ng sining, kultura, at malikhaing adbokasiya.

        Sa direksyon ni Vivian Poblete Blancaflor at stage design ni Rico Ancheta, inaasahan ang isang gabi ng glamour, emosyon, at hindi malilimutang gabi ng parangal.

 

 

###

 

Popular posts from this blog

Here’s Why Jennifer Lee’s Life Took So Many Turns, and Why It All Led Here

Bonifacio – Ang Supremo and the History We Choose to Forget

Mamay: A Journey To Greatness, humakot ng awards sa 73rd FAMAS Awards