Martin Del Rosario, Tinotoo ang Buhay Pulis sa ‘Beyond the Call of Duty’
By Boy Romero
Dumagsa ang tao sa red carpet premiere ng “Beyond the Call of Duty” noong June 3 sa Gateway 2 Cinema 11. Pero ang daming umuwi na hindi lang basta aliw ang nadama. Dito kasi, good boy si Martin Del Rosario, taliwas sa madalas niyang bad boy roles.
Si Martin Del Rosario, gumanap bilang SWAT. Mahigit isang linggo siyang nag-shooting, laging may kasama mula sa PNP para matutunan ang bawat kilos at galaw ng pulis. Sabi nga niya, “Challenging talaga pero gusto namin ipakita kung ano ang totoo.” Hindi lang niya inartehan ang role, sineryoso niya ang buhay na pinapasok ng mga pulis.
Pero ang pinakamalaking natutunan niya ay yung bigat ng trabaho ng mga pulis. “Grabe pala ang sakripisyo nila. Mahirap physically at emotionally. Mahirap para sa pamilya nila. Isang malaking commitment 'yon,” dagdag ni Martin.
Si Maxine Trinidad naman, dating PBB housemate, ang leading lady niya. Pero hindi basta nakuha ang role niya bilang pulis. Nag-audition siya at pang-69 siya sa pila. “Grabe ang kaba ko noon, pero gusto ko talaga yung role. Noon pa man, pangarap ko nang mag-portray ng pulis,” kwento ni Maxine.
Iba rin ang dating ng pelikula para sa dating PNP Chief Rommel Francisco Marbil. Sabi niya, “Madalas puro negatibo lang ang nakikita ng tao tungkol sa amin. Pero ngayon, makikita nila ang totoong sakripisyo ng mga pulis.”
Maraming nanood at karamihan sa kanila, hindi lang aksyon ang nakita. Totoong buhay ito na minsan nakakalimutan nating lahat. Minsan puro balita lang ang alam natin, pero dito makikita mo kung ano ang mga pinagdadaanan nila araw-araw.
Hindi lang ito pelikula. Paalala ito sa atin na may mga totoong tao na nagbubuwis ng buhay para sa atin.
Kung gusto mong makita ang mga kwento ng buong tapang, huwag palampasin ang “Beyond the Call of Duty” sa sinehan sa September 3,2025. Written and directed by Direk JR Olinnares Kasama rin sa cast sina Paolo Gumabao, Devon Seron, Jeffrey Santos, Simon Ibarra, Lovely Rivero, Martin Escudero at narami pang iba. Produced by Luis Chavit Singson and Stephanie Singson.
Ito yung pelikulang mapapaisip ka kung bakit dapat nating pahalagahan ang mga taong nagbibigay ng lahat para sa bayan.