Chavit Singson, wawakasan ang kahirapan ng mga Pinoy

 
By Boy Romero 
        Na-interview namii si Former Governor ng Ilocos Sur  at ngayon ay senatorial aspirant sa darating ng mid yerm elections na si Chavit Singson.
         Tinanong namin diya agad kung ano ang mga batas na gagawin niya.
          Aalisin daw niya ang red tape sa gobyerno. Isang problema raw kasi ito hanggang sa ngayon.
         Gagawin dindaw niya ang Universal Basic Income o UBI.
           'Ito yung Chavit 500. Ang mga 18 years old at above hanggang mamatay sila ay mabibigyan ng 500 buwan-buwan.
         '  Ang UBI ay ginagawa na ito sa ibang bansa, sa Japan, meron na..Dito sa atin, may TUPAD, pero kinokotong, minsan nawawala, at kung sino lang ang gusto  bigyan." pahayag pa ni Manong Chavit.
          Ayon.pa sa kanya, 77 percent sa mga Pinoy ay walang bank account at 91 percent ay walang credit card.
          'Bibigyan ko silang lahat at libre yun..Ako yung tumatakbo na di nangangako, ginawa ko na.
       "Pinayaman ko na ang mga kalalawigan ko. Nagpapasalamat ako sa aking mga kababayan,' dagdag pa niyang pahayag.
         Ayon pa sa kanya, tahimik na ang kanyang lugar, natulungan na niya ang  kanyang mga kababayan at ngayon ay may pagkakataon naman siyang makatulong sa maraming kababayan sa buong Pilipinas 
          
      "
          

Popular posts from this blog

‘Juan Luna, Isang Sarsuela’: Beyond Historical Tribute

Ahon Mahirap - Party list na mag-aahon at wawakasan ang kahirapan ng mga Pinoy